Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Estudyante at guro ng Saceda Youth Lead, dumalaw sa Serbisyo Filipino ng CRI

(GMT+08:00) 2016-03-02 18:44:14       CRI
Isang delegasyon na binubuo ng mahigit limampung (50) estudyante at guro ng Saceda Youth Lead ang dumalaw ngayong umaga, March 2, 2016 sa Serbisyo Filipino ng China Radio International (CRI).

Delegasyon ng Saceda Youth Lead habang nasa Southeast Asia Broadcasting Center ng CRI

Delegasyon ng Saceda Youth Lead, sa kanilang pagdalaw sa CRI

Ayon kay Edwin Bernadas, Assistant Head of Delegation ng Saceda International Training for Student Leaders in Asia (ITSLA), layon ng kanilang pagdalaw sa Tsina, ang pagpapataas ng kamalayan at kaalaman ng kanilang mga mag-aaral kung paano idinedebelop at sinasanay ng pamahalaang Tsino ang mga kabataan upang maging kapakipakinabang sa kaunlaran ng bansa.

Ilang guro

Mga estudyante

Aniya pa, pagbalik sa Pilipinas ng mga estudyante ng Saceda Youth Lead, maaari nilang i-apply sa kanilang mga tahanan at buhay ang mga natutunan sa Tsina.

Dagdag pa niya, ang mga kaalamang ito ay lubhang mahalaga sa kanilang kinabukasan.

"Sakaling sila na ang maging lider ng Pilipinas, alam na nila kung paano maging matatag, kung paano nila papalakarin iyong kani-kanilang mga lugar, sabi pa ni Bernadas.

Jade Xian, Direktor ng Serbisyo Filipino habang pinapaliwanag ang ibat-ibang programa ng himpilan

Jade Xian, habang sinasagot ang ilang katanungan mula sa mga estudyante

Kasama rin sa nasabing delegasyon ang isang Afghan-German volunteer na si Faissal Sharif, isa ring Assistant Head of Delegation.

Aniya, isa pang pakay ng kanilang pagpunta sa Serbisyo Filipino ng CRI ay upang malaman ang estado ng relasyong Sino-Filipino sa lebel ng media.

Dagdag pa ni Sharif, nalaman niya sa kanyang pagdalaw sa Serbisyo Filipino, na ang media ay napakaganda palang behikulo upang buwagin ang mga di-pagkakaunawaan at napaka-inam ring paraan upang pagbigkisin ang mga mamamayan ng ibat-ibang bansa, sa pamamagitan ng pagpapaigi ng pagpapalitang pangkultura at paglalahad ng mga impormasyong kultural.

Ito aniya ay ang mga aspetong lalong makakapagpalapit sa mga mamamayan ng bawat bansa.

Mula sa kaliwa, Faissal Sharif, Edwin Bernadas at Rhio Zablan

Ayon naman kay Bernadas, nabuksan ng biyaheng ito ang kanyang pag-iisip sa tunay na kultura at ugali ng mga Tsino.

"Kapag may bukas na komunikasyon ang bawat panig, magkakaintindihan ang lahat," aniya pa.

Mga guro at estudyante habang nakikinig sa presentasyon

Ang Saceda Youth Lead ay isang youth serving institution ng Pilipinas na nasa ilalim ng National Youth Commission. Ang CRI ay isa sa mga hinto ng Delegasyon sa kanilang apat-na-araw na biyahe ng pag-aaral at paglalakbay sa Tsina.

Reporter: Rhio Zablan

Photographer: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>