|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap, isinalaysay ni An Xiaoyu, Puno ng Delegasyon ng CRI at Puno ng Southeast Asia Broadcasting Center ng CRI, ang kalagayan ng pagkakaibigang pagpapalitan at matagumpay na kooperasyon ng CRI at mga media ng Myanmar noong nakaraang ilang taon. Pinasalamatan niya ang pagkatig na ipinagkaloob ng Ministri ng Impormasyon ng Myanmar sa kooperasyon ng media ng Tsina at Myanmar. Ipinahayag ni Ginoong An na nakahanda ang CRI na magkaloob ng tulong sa mga media ng Myanmar sa teknolohiya, pagsasanay at iba pang larangan para pasulungin ang pagkaunawa ng mga mamamayan ng Tsina at Myanmar.
Mataas na pinahahalagahan ni Dr. Pe Myint ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng CRI at mga media ng Myanmar. Pinapurihan niya ang bunga na nakuha ng naturang mga kooperasyon, lalo na ang mga dubbed TV Series na magkasamang prinodyus ng CRI at mga media ng Myanmar. Ipinahayag ni Dr. Pe Myint na ang pagtatatag ng bukas na kalagayan ng media at pagpapataas ng lebel ng mga media ay tungkulin ng Ministri ng Impormasyon ng Myanmar, at kinakatigan niya ang kooperasyon ng mga media ng Myanmar at CRI.
Sina Dr. Pe Myint, Ministro ng Impormasyon ng Myanmar at An Xiaoyu, Puno ng Southeast Asia Broadcasting Center ng CRI
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |