ISTANBUL, TURKEY—Sa idinaraos na ika-40 sesyon ng World Heritage Committee ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO), pormal na inilakip Linggo, Hulyo 17, 2016, ang Shennongjia Nature Reserve ng Lalawigang Hubei ng Tsina sa listahan ng mga pamanang pandaigdig. Dahil dito, umabot na 50 ang pamanang pandaigdig ng Tsina.
Ayon sa ulat, ang Shennongjia Nature Reserve ay mayaman sa iba't ibang uri ng hayop at halaman at ito ay mahalaga para sa pananaliksik ng mga halaman.
Itinatag na ang isang bagong paliparan sa piligid ng Shennongjia, at ipinapaalaala rin ng ulat ng UNESCO na dapat pahalagahan ang kapaligiran, kasabag ng paglaki ng turismo.
salin:wle