|
||||||||
|
||
Kalahok dito ang mahigit 210 dalubhasa sa pandaigdig na batas at batas na pandagat mula sa mahigit 10 bansa at rehiyon, na gaya ng Tsina, Amerika, Australya, Pransya, at iba pa. Ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at mekanismo ng paglutas sa hidwaan nito ay pangunahing paksa ng dalawang araw na symposium na ito.
Si Tung Chee-hwa, Pangalawang Tagapangulo ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino
Sa kanyang talumpati sa symposium, inilahad ni Tung Chee-hwa, Pangalawang Tagapangulo ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino, ang maraming katotohanan at materyal na pangkasaysayan, bilang patunay sa "historical rights" ng Tsina sa South China Sea. Ipinahayag din niyang ipinakikita ng maraming kasunduang pandaigdig noong panahon at pagkatapos ng World War II ang malawakang pagkilala ng komunidad ng daigdig sa soberanya sa teritoryo at mga karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina sa naturang karagatan.
Sinabi naman ni Myron Nordquist, propesor sa batas na pandagat ng University of Virginia ng Amerika, na sa South China Sea arbitration, mula noong tiniyak ng arbitral tribunal na mayroong hurisdikasyon sa kaso, hanggang ginawa ang "award," nagkaroon ito ng malaking kamalian. Labag aniya sa pandaigdig na batas ang aksyon ng arbitral tribunal.
Ipinalalagay naman ni Pemmaraju Sreenivasa Rao, dating Tagapangulo ng International Law Commission, na hindi pinaliwanag ng arbitral tribunal ang ugnayan sa pagitan ng mga aytem ng arbitrasyon, at mga isyu ng soberanya at demarkasyon sa dagat. Dahil dito aniya, ang resulta ng arbitrasyon ay kulang sa batayan.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |