Tungkol sa pinal na hatol ng Arbitral Tribunal hinggil sa South China Sea arbitration, ipinahayag kamakailan ni William Jones, Puno ng Washington Bureau ng Executive Intelligence Review (EIR) na ito ay resulta ng pulitikal na pagmamanipula ng Amerika sa halip na pagpapatupad sa pandaigdig na batas. Labag sa pandaigdig na batas at norma ng relasyong pandaigdig ay gawaing ito, at makatuwiran ang di-pagtanggap ng Tsina sa hatol, aniya pa.
Sinabi niyang dahil sa pagkatig ng Amerika, unilateral na isinumite ng pamahalaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang isyu ng SCS sa Arbitral Tribunal, sa halip na magkaroon ng talastasan ng Tsina.
Aniya, ang mga miyembro ng Arbitral Tribunal ay may bias na pulitikal, at nakahanda silang magpakita ng matigas na paninindigan sa Tsina. Kaya, naitakda na ang resulta bago pa man simulan ang proseso ng arbitrasyon, dagdag ni Jones.
salin:wle