![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ayon sa datos na isinapubliko Martes, Hulyo 19, 2016, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang hati ng kasalukuyang taon, lumaki ng 1.3% lamang ang halaga ng pamumuhunan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Tsina kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Higit sa lahat, noong nagdaang Hunyo, bumaba ng 57% ang halagang ito kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pangyayaring ito ay resulta ng pagsasaayos ng estruktura ng paggamit ng Tsina ng pondong dayuhan. Wala itong kaugnayan sa isyu ng South China Sea, aniya.
Sinabi ni Shen na sa kasalukuyan, ang pagsasaayos ng Tsina ng estruktura ng paggamit ng pondong dayuhan ay sumusulong sa high-tech, high-quality, at high-level direction. Kaya, noong unang hati ng kasalukuyang taon, ang mga bansa at rehiyong Europeo at Amerikano ay namuhunan ng mas maraming pondo sa Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |