
Binuksan kahapon, Sabado, ika-11 ng Hunyo 2016, sa Kunming, punong lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina, ang Ika-14 na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Overseas Chinese Entrepreneurs Conference.
Kalahok sa pulong na ito ang mahigit 700 overseas Chinese entrepreneurs mula sa 47 bansa ng daigdig. Tinalakay nila ang hinggil sa pagkakataon para sa pagbubukas ng negosyo at pamumuhunan sa Tsina.
Sa kasaysayan ng pulong na ito, nalagdaan ang halos 100 kontrata at kasunduan, at lumampas sa 5 bilyong Dolyares ang pamumuhunan.
Salin: Liu Kai