Idinaos nitong Miyerkules, Mayo 25, 2016 sa Vientiane, Laos ang Ika-6 na China-ASEAN Defence Ministers Informal Meeting.
Sa ngalan ng Tsina, dumalo sa pulong si Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Tsina. Ipinahayag niyang sa kasalukuyan, namumukod pa rin ang banta sa tradisyonal at di-tradisyonal na larangang panseguridad. Inulit ni Chang ang pananangan ng Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad. Aniya pa, hind magbabago ang paninindigan ng Tsina sa paglutas ng mga pagkakaiba sa pamamagitan ng mapayapang talastasan. Upang mapasulong ang pagtutulungang pandepensa ng Tsina at ASEAN, ipinahayag ni Chang ang pag-asang magsagawa ng magkasanig na pagsasanay hinggil sa paghawak sa mga di-inaasahang enkwentro sa South China Sea. Nakahanda rin aniya ang Tsina na palakasin ang pakikipagtulungan sa ASEAN laban sa terorismo at ang pagpapalitan ng mga hukbo ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac