Nilagdaan Martes, Hulyo 19, 2016, ng mga pamahalaan ng Singapore at Malaysia ang Memorandum of Understanding (MOU) ng proyekto ng high speed railway sa pagitan ng dalawang bansa.
Buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang bansa na patuloy na magsisikap sila para lagdaan ang pormal na kasunduan bago ang katapusan ng taong ito at maisakatuparan ang pagtakbo ng naturang daambakal sa taong 2026.
Ang nasabing daambakal ay may habang 350 kilometro at mag-uugnay sa Singapore at Kuala Lumpur ng Malaysia. Ang kabuuang gastusin nito ay tinayang lalampas sa 15 bilyong Dolyares.