Ipinahayag ngayong araw, Huwebes, ika-16 ng Hunyo 2016, sa Kuala Lumpur, Malaysia, ni Gang Ho In, Ministro ng Lupa, Imprastruktura, at Komunikasyon ng Timog Korea, ang kahandaan ng kanyang bansa, na lumahok sa pagtatayo ng Kuala Lumpur-Singapore High Speed Rail.
Winika ito ni Gang pagkaraang katagpuin siya ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia. Ayon pa rin sa kanya, mainit ang pagtanggap ni Liow sa naturang kahandaan ng T.Korea.
Sinabi rin ni Gang, na bukod sa naturang proyekto, gusto rin ng T.Korea na makipagtulungan sa Malaysia sa mga aspekto ng komunikasyon, seguridad na pandagat, at abiyasyon. Ito aniya ay magdudulot ng benepisyo sa kapwa bansa.
Salin: Liu Kai