Dumalaw kamakailan sa Malaysia at Singapore ang delegasyon ng mga bahay-kalakal ng daambakal ng Tsina, na pinamunuan ni Sheng Guangzu, General Manager ng China Railway Corporation.
Pagkaraan ng pagdalaw, isinalaysay ni Sheng na nakipagpalitan ng palagay ang delegasyon sa mga panig ng Malaysia at Singapore, hinggil sa pakikipagkooperasyon ng Tsina sa mga bansang ito sa konstruksyon ng daambakal.
Sinabi rin ni Sheng, na sa panahon ng pagdalaw, pinag-aralan ng mga bahay-kalakal ng daambakal ng Tsina ang mga gawain ng konstruksyon ng high-speed railway sa pagitan ng Kuala Lumpur at Singapore. Aniya, magkakaloob ang panig Tsino ng detalyadong plano para sa naturang proyekto.
Dagdag ni Sheng, aktibo ang mga bahay-kalakal na Tsino sa paglahok sa pagbi-bid ng Kuala Lumpur-Singapore high-speed railway. Nakahanda aniya ang panig Tsino na bahaginan ng karanasan sa pagpapaunlad ng high-speed railway ang Malaysia at Singapore.