|
||||||||
|
||
Mula alas-una noong ika-19 hanggang alas-6 kaninang umaga, nakaranas ang Beijing ng napakalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan na tumanggal ng mahigit 55 oras.
Ayon sa datos, umabot sa 274 milimetro ang karaniwang rainfall amount sa lunsod ng Beijing na pambihirang pambihira nitong ilang taong nakalipas.
Hanggang alas-6 kaninang umaga, napanumbalik ang transportasyon sa 21 pinakagrabeng apektadong lugar at nagbabala ang mga personaheng meteorolohikal na bagama't tumigil na ang pag-ulan, dahil sa napakalaking rainfall nitong 2 araw na nakalipas, naging saturated ang lupa sa bulubunduking purok at posibleng maganap ang landslide at paglubog ng lupa, kaya, dapat maging mas maingat ang mga residente at turista sa nasabing mga lugar.
Noong Hulyo 20, si Ginong Zhang at ang kanyang asawa sa naabutan ng baha sa kalye
Noong Hulyo 20, inalis gamit ang bomba ng mga manggagawa ang tubig mula sa binahang tunnel sa harap ng Beijing West Raiway Station
Dahil sa napakaperpektong drainage system, hindi naapektuhan ng malakas na ulan ang pagbisita ng mga turista sa Forbidden City
Dahil sa pag-ulan, ang 1715 fight sa Beijing Captial Airport ay nakansela.
Naging masyadong mahirap kumuha ng taxi kahapon at kamakalawa
Isang babae ang lumakad sa tubig-baha
Tumirik ang isang Porche sa dakong timog ng Beijing
Ang tag-ulan ng Tsina ay kadalasang tumatagal mula Hunyo hanggang Agosto. Kapuwa ang Tsina at Pilipinas ay apektado ng habagat. Sa kanyang klasikong A History of Asia, ginamit ni Dr. Rhoads Murphey ang terminong "Monsoon Asia," para tukuyin ang mga bansang apektado ng habagat.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |