Sa Vientiane, Laos — Sa kanyang pagdalo Martes, Hulyo 26, 2016, sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3), ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa proseso ng pagpapasulong ng konstruksyon ng komunidad na ekonomiko ng Silangang Asya, dapat mainam na hawakan ang tatlong relasyon: una, dapat hawakan nang mabuti ang relasyon ng mekanismong pangkooperasyon ng 10+3 at iba pang rehiyon. Dapat aniyang patuloy na igiit ang pangunahing papel ng 10+3, at buong tatag na palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Ikalawa, dapat hawakan nang mabuti ang relasyon sa pagitan ng sampung (10) bansang ASEAN at Tsina, Hapon, at Timog Korea. Aniya, ang ASEAN ay sentro ng kooperasyong panrehiyon ng Silangang Asya, at dapat palagiang igiit ang pamumuno ng ASEAN sa kooperasyon ng 10+3. Ikatlo, dapat hawakan nang mainam ang relasyon ng tradisyonal at bagong larangan. Upang harapin ang krisis na pinansiyal at hamon sa food safety na magkakasamang kinakaharap ng mga bansa sa rehiyon, sinimulan ang kooperasyong pinansiyal at agrikultural ng Silangang Asya, at natamo ang malinaw na progreso, dagdag niya.
Salin: Li Feng