|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhuanet, nilagdaan kamakailan sa Qingdao, ang mapagkaibigang kasunduan ng port ng Qingdao ng Tsina at port ng Klang ng Malaysia. Sa kasalukuyan, umabot na sa 18 ang bilang ng pandaigdigang puwertong mapagkaibigan ng Qingdao port.
Port ng Klang, pinakamalaking puwerto ng Malaysia.
Ang port Klang ay nasa gawing hilagang silangan ng Malacca Straits. Ito ay pinakamalaking puwerto ng Malaysia, ito rin ay bantog na puwertong pandaigdig.
Port ng Qingdao, Tsina.
Ayon sa nasabing kasunduan, isasagawa ng dalawang puwerto ang mas malawak na kooperasyon sa mga larangang gaya ng pag-aaral ng puwerto, pagsasanay ng mga tauhan, pagpapalitan ng impormasyon, pagbibigay ng tulong na teknikal, at pagpapataas ng lebel ng serbisyo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |