Ayon sa datos ng Kawanihan ng Edukasyon ng lalawigang Yunnan ng Tsina, sapul noong 2013, mabunga ang kooperasyon ng Thailand at Yunnan sa edukasyon at ang mga estudyanteng Thai na nag-aaral sa Yunnan bawat taon ay lumampas sa 2000 na katumbas ng halos 17% ng kabuuang bilang ng mga dayuhang estudyante sa Yunan.
Bukod dito, itinatag ang relasyong pangkooperasyon sa pagitan ng mahigit 40 kolehiyo at pamantasan ng Yunnan at Thailand na gaya ng Yunnan University, Kunming University of Science and Technology, Yunnan University of Finance and Economics, Prince of Songkla University at Chiang Mai University.
Ipinahayag ni Zhou Rong, Puno ng nasabing kawanihan, na dapat ibayo pang pahigpitin ang koopeasyon ng dalawang panig sa edukasyon para hikayatin ang pag-aaral ng mas maraming estudyanteng Thai sa Yunnan.