Nang kapanayamin kamakailan ng Xinhua News Agency, opisyal na ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, ipinahayag ni Hong Feng, Asistenteng Presidente, at Pangalawang Tagapangulo ng Doctor Management Committee ng Panyapiwat Institute of Management ng Thailand, na sa pamamagitan ng bilateral na pagsasanggunian ng Pilipinas at Tsina, magkakaroon ng makatwirang solusyong makakabuti sa kapuwa panig ang mga kinauukulang alitan sa South China Sea. Aniya, sa pagkakaroon ng solusyon, walang katuwiran ang pangingibabaw ng South China Sea arbitral tribunal.
Ani Hong, huwad ang umano'y pananalitang "ang Tsina ay posibleng magsapanganib sa malayang paglalayag sa South China Sea." Sinabi niyang palagiang malinaw ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea, at iminungkahi nitong isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, sa pamamagitan ng magkasamang paggagalugad. Buong tatag na pinangangalagaan ng Tsina ang kalayaan ng paglalayag sa nasabing karagatan, at tinututulan ang militarisasyon at pakikialam ng puwersang panlabas sa karagatang ito, dagdag pa niya.
Salin: Vera