|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, sa pakikipagtagpo Huwebes, Hulyo 28, 2016, kay Khek Caimealy Sysoda, Embahador ng Cambodia sa Tsina, tinanggap ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, ang donasyon nina Haring Norodom Sihamoni at Queen Mother Norodom Monineath ng Cambodia, para sa mga lugar na apektado ng baha sa Tsina.
Pumapasok na sa panahon ng tag-ulan ang Tsina, lalong lalo na sa timog, timog-kanluran, at silangang bahagi ng bansa.
Ang tag-ulan ng Tsina ay kadalasang tumatagal mula Hunyo hanggang Agosto. Kapuwa ang Tsina at Pilipinas ay apektado ng habagat. Sa kanyang klasikong A History of Asia, ginamit ni Dr. Rhoads Murphey ang terminong "Monsoon Asia," para tukuyin ang mga bansang apektado ng habagat.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |