Ayon sa resulta ng survey na ipinalabas Lunes, Agosto 1, 2016, ng Realmeter, survey company ng Timog Korea, nanatiling mababa ang support rate kay Pangulong Park Geun-hye ng bansa sa ika-4 na linggo ng nakaraang Hulyo. Ayon sa nasabing survey, 31.6% lamang ng mga respondent ang nagbigay ng positibong pagtasa sa kakayahan ng pangangasiwa ni Pangulong Park. Samantala, 60.7% ng mga respondent ang nagbigay ng negatibong pagtasa sa pangangasiwa ni Park. Ang nasabing support rate ay mas mataas ng 3.8% kumpara sa ikatlong linggo ng Hulyo.
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang pagbaba ng support rate kay Pangulong Park ay may kinalaman sa kanyang pagpapasulong ng pagtatalaga sa bansa ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD), anti-missile system ng Estados Unidos.
Salin: Jade
Pulido: Rhio