Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagde-deploy ng "THAAD," grabeng pinaghiwa-hiwalay ang lipunang Timog Koreano

(GMT+08:00) 2016-07-29 11:38:08       CRI

Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag nitong Miyerkules, Hulyo 27, ng Saenuri Party – naghaharing partido ng Timog Korea, na sa malapit na hinaharap, itatatag ang isang magkasanib na konsultatibong grupo tungkol sa pagde-deploy ng Terminal High Altitude Air Defense (THAAD) na bubuuin ng mga personahe mula sa sirkulong militar, pampamahalaan, at mga residente mula sa lugar na pagde-deployan. Ginawa ng nasabing partido ang posisyong ito sa gitna ng patuloy na pagtaas ng pagtutol ng publiko ng bansang ito sa pagde-deploy ng THAAD.

Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na kasalukuyang grabeng pinaghiwa-hiwalay ng isyu ng pagde-deploy ng THAAD ang lipunang Timog Koreano. Anila, ang pagde-deploy nito ay magdudulot ng napakalaking negatibong epekto sa situwasyong panseguridad sa rehiyong Hilagang Silangang Asyano, at ang Timog Korea mismo ay maaapektuhan din nito.

Sa katunayan, wala pang pagkakaisa ng palagay mula sa iba't-ibang pangunahing partido ng Timog Korea hinggil sa pagde-deploy ng THAAD, na lalo pang nagpalala ng relasyon sa pagitan ng partidong naghahari at oposisyon. Ipinalalagay din ng mga sibilyang Timog Koreano na dapat isaayos ng pamahalaan ang nasabing desisyon pagkaraang pakinggan ang mithiin ng mga mamamayan. Nitong ilang araw na nakalipas, maraming kilos protesta ang isinasagawa ng mga mamamayan bilang pagtutol sa naturang desisyon ng pamahalaan. Ayon sa pinakahuling poll na itunaguyod ng media ng Timog Korea, ipinalalagay ng halos 45.8% respondent na pinalala ng THAAD ang kontradiksyon sa pagitan ng Timog Korea at ibang bansa, at hindi nakikinabang dito ang kanilang bansa.

Tinukoy din ng mga tagapag-analisa na kung talagang ide-deploy ang THAAD sa Timog Korea, ito ay hindi lamang makakapinsala sa relasyong diplomatiko ng Timog Korea sa Tsina at Rusya, kundi magkakaroon din ng grabeng negatibong epekto sa katatagang panrehiyon, at sariling seguridad ng Timog Korea. Kaya, umaasa silang babaguhin ng pamahalaan ang desisyon nito.

Sa isang artikulong ipinalabas kamakailan ni Chung Un-chan, dating Punong Ministro ng Timog Korea, na sa nasabing desisyon ng pamahalaan, hindi nakikita ang estratehikong pag-isip sa hinaharap. Ipinahayag din niyang sa pamamagitan ng kooperasyong pangkabuhayan ng Timog at Hilagang Korea, dapat nila pasulungin ang mapayapang pakikipamuhayan ng dalawang bansa. Ngunit, ang pagde-deploy ng THAAD ay makakahadlang dito.

Ayon sa editoriyal na ipinalabas ng pahayagang "Hankyoreh," dahil sa naturang desisyon, magtatagal pa, ang kasalukuyang mapanganib na situwasyon sa Korean Peninsula.

Nagbabala si Song Min-soon, dating Ministrong Panlabas ng Timog Korea, na ang pagde-deploy ng THAAD ay nangangahulugang hinahalinhan ng suliraning militar ang diplomasya ng bansa. Ito aniya ay napakagrabeng aksyon.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>