Naging mainit na topic kamakailan ang "Three Beauties in Shanghai" at kanilang mga paintings sa Internet ng Tsina.
Ang nasabing three beauties ay sina Lu Xiaoman, Wu Qingxia and Zhou Lianxia.
Sumikat si Lu Xiaoman dahil sa kanyang love affair sa manunula na si Xu Zhimo, pero, sa likod ng kanyang kagandahan, maluhong life style at makulay na social life, mahusay din siya sa painting, pagkanta at pagsulat ng artikulo. Isinilang noong 1903 sa probinsyang Jiangsu sa dakong silangan ng Tsina, yumao siya sa Shanghai noong 1965.
Si Wu Qingxia ay isang master sa pagdrowing ng carps at mailap na gansa, yumao siya noong 2008 sa edad na 99 taong gulang.
Napakasariwa ng istilo ng mga painting at tula ni Zhou Lianxia. Yumao noong 2000, si Zhou ay popular na popular sa sirkulo ng Shanghai elite noong 1920s at 1930s at tinawag na isang "fairy" dahil sa kanyang appearance at talento.