Idinaos Miyerkules, Agosto 3, 2016, sa Vientiane, Laos, ang ika-48 na Pulong ng mga Ministrong Pinansyal ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para talakayin ang mga plano hinggil sa pagsasakatuparan ng mga target sa taong 2025.
Sinabi ni Thongloun Sisoulith, Punong Ministro ng Laos, na ang pagkakatatag ng ASEAN Community ay isang bagong starting point at dapat pabilisin ng mga bansang ASEAN ang proseso ng integrasyong pangkabuhayan.
Ipinahayag naman niyang sa pulong na ito, tatalakayin ng mga kalahok ang mga hakbangin hinggil sa pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo, pagpapadali ng kalakalan, pagpapaliit ng agwat sa pag-unlad, at pagpapalalim ng mga kooperasyong pangkalakalan sa pagitan ng mga kasaping bansa.
Ang pulong na ito ay tatagal nang 4 na araw.