Ipinahayag Sabado, Agosto 06, 2016, ni Senior Colonel Shen Jinke, Tagapagsalita ng Hukbong Panghimpapawid ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, na nagpatrolya ang mga H-6K bomber at Su-30 fighters sa teritoryong panghimpapawid ng Nansha at Huangyan islands sa South China Sea (SCS).
Sinabi ni Shen na ang nasabing aksyon ay bahagi ng actual combat training ng hukbong panghimpapawid para palakasin ang kakayahan nito sa pagharap sa mga hamong panseguridad at pangangalaga sa pambansang soberanya, katiwasayan at karapatang pandagat.
Sinabi pa niyang bukod sa nabanggit na eroplano, ipinadala rin ng Tsina ang mga uri ng eroplano na gaya ng Airborne Early Warning Aircraft, reconnaissance at tanker airplanes, para magkasamang lumahok sa pagpapatrolya sa SCS.