Miyerkules, Agosto 3, 2016, pormal na nailunsad ang Chinese edition ng opisyal na website ng Tsina hinggil sa South China Sea (SCS). Ang ilang akda, dokumento at mapa ang isinasapubliko, sa kauna-unahang pagkakataon, sa nasabing website. Pinaplanong gawin ang English edition sa katapusan ng kasalukuyang taon.
Screen shot ng opisyal na website ng Tsina hinggil sa SCS
Isinalaysay ni Shi Qingfeng, Tagapagsalita ng State Oceanic Administration ng Tsina, na ang pagkakaroon ng nasabing website ay naglalayong sa pamamagitan ng komprehensibong pagsasalaysay ng South China Sea, ilahad ang mga patakaran, paninindigan, ebidensyang historikal at batayang pambatas ng Tsina sa nasabing karagatan. Nagkakaloob din ito ng isang mapagkakatiwalaang plataporma para sa pag-unawa ng mga departamentong pampamahalaan, organo ng pananaliksik, at personaheng di-pampamahalaan sa loob at labas ng Tsina ng isyu ng South China Sea.
Sa kasalukuyan, may 6 na domain name ang naturang website:
www.thesouthchinasea.org
www.china-nanhai.org
www.chinananhai.org
www.thesouthchinasea.org.cn
www.china-nanhai.org.cn
www.chinananhai.org.cn
salin: Vera