July 24, 2016, BEIJING--Sa isang preskon, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Hapon ay hindi sangkot sa hidwaan sa South China Sea(SCS), kaya, wala itong karapatang magsalitang kung anu-ano hinggil sa isyung ito.
Sa isang naunang okasyon, sinabi ni Fumio Kishida, Ministrong Panlabas ng Hapon na kung makakatagpo niya ang Ministrong Panlabas ng Tsina, sa serye ng pulong ng mga ministrong panlabas ng silangang Asya na idinaos sa Viantiane, Laos, kakausapin niya ito hinggil sa isyu ng South China Sea.
Bilang tugon, sinabi ni Lu na ilegal ang arbitral tribunat at South China Sea arbitration at hindi tinatanggap ng Tsina ang anumang bagay na tungkol dito batay sa pandaigdig na batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea. Hinihimok aniya ng Tsina ang Hapon na huwag makialam sa isyu ng SCS. Ang Hapon ay hindi sangkot sa hidwaan, at may sariling "discreditable history," at wala itong karapatang magsalita ng kung anu-ano hinggil sa isyung ito, dagdag ni Lu.
salin:Lele