Ayon sa "Maeil Business Newspaper" ng Timog Korea, sa Ika-13 Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan at Kalakalan ng Timog Korea at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na ginanap sa Vientiane, Laos noong isang buwan, magkakasamang idineklara ng mga ministro ng kabuhayan at kalakalan ng dalawang panig ang pormal na pagsisimula ng talastasan hinggil sa pag-u-upgrade upang mas maging maginhawa ang bilateral na malayang sonang pangkalakalan.
Mula noong 2012, sinimulan ng Timog Korea at ASEAN ang mga may-kinalamang gawain hinggil sa nasabing talastasan. Ngunit, dahil sa kanilang pagkakaiba sa mga nukleong isyung gaya ng listahan ng mga kapalit na paninda, hindi sila nagkaroon ng substansyal na progreso.
Salin: Li Feng