Sa Beijing (Xinhua) — Sinabi Martes, Agosto 9, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa ika-16 ng kasalukuyang buwan, idaraos sa Inner Mongolia Autonomous Region ang Ika-13 Pulong ng mga Mataas na Opisyal tungkol sa "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea." Dadalo rito sina Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina, at mga mataas na opisyal mula sa iba't-ibang bansang ASEAN.
Sinabi ni Hua na batay sa diwa ng magkakasanib na pahayag hinggil sa komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea" na magkakasamang ipinalabas ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, patuloy at malalim na makikipagpalitan ang panig Tsino ng kuru-kuro sa mga bansang ASEAN hinggil sa pagsasakatuparan ng nasabing deklarasyon at pagpapasulong ng pagsasanggunian ng Code of Conduct in the South China Sea (COC).
Salin: Li Feng