|
||||||||
|
||
Ayon sa China News Service, kinumpirma Martes, Agosto 9, 2016, ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na talagang ipinatawag ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos ang Charge d'Affaires ng Embahadang Pilipino sa Amerika. Ngunit, ipinagdiinan din nitong nananatili pa ring matibay ang relasyon ng dalawang bansa.
Ayon sa ulat, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalong Pilipino ang kanyang matinding kawalang-kasiyahan sa American Ambassador sa Pilipinas sa panghihimasok nito sa pambansang halalan. Tinawag ni Pangulong Duterte ang embahador na bakla at gumamit ng nakainsultong pananalita, bagay na nakatawag ng kalungkutan ng panig Amerikano.
Naunang isiniwalat ni Elizabeth Trudeau, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, na nitong Lunes, Agosto 8, na ipinatawag ng panig Amerikano ang Charge d'Affaires ng Embahadang Pilipino para hilingin sa panig Pilipino na ipaliwanag ang nasabing pananalita ng Pangulong Pilipino.
Salin: Li Feng
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |