SINABI ni Pangulong Duterte na mayroon ding mga pag-abuso sa kampanya laban sa illegal drugs na ikinasawi ng higit sa 400 mga suspect na dahilan ng pagkabahala ng human rights activities. Sa mga pangyayaring ito, tuloy pa rin ang kanyang "shoot-to-kill order" laban sa mga pinaghihinalaang sangkot sa droga.
Sa isang talumpati kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na karamihan ng mga drug dealer at addict ay napaslang sapagkat sila'y nanlaban.
Bagaman, sinabi rin niyang may mga naging biktima ng "salvaging" ang katagang ginagamit sa extrajudicial killings na kagagawan na rin ng mga alagad ng batas.
Sa mga illegal na pagpaslang, magkakaroon ng mga pagsisiyasat, dagdag pa ng pangulo.
Ayon naman kay Atty. Jose Manuel Diokno, anak ni Senador Jose Wright Diokno, ang kautusan ay kaduda-duda. Maaari itong ipagtanong sa iba pang mga dalubhasa sa batas.