Upang mapadali ang proseso ng pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan, sinimulan nitong Agosto ang subok-operasyon ng Pambansang Adwana ng Myanmar ang Myanmar Automated Cargo Clearance System (MACCS).
Ang MACCS ay naglalayong iugnay ang mga plataporma ng paghahatid ng mga paninda sa loob ng bansang ito, pataasin ang episiyensiya ng transportasyon, pabutihin ang proseso ng mga serbisyo at maigarantiya ang makatwirang taripa.
Ayon sa ahenda, sa darating na Nobyembre, maisasaoperasyon ang MACCS sa Yangon Airport, mga puwerto at espesyal na sonang pangkabuhayan. Pagkatapos nito, gagamitin ang MACCS sa mga sonang pangkalakalan sa hanggahan ng bansang ito.