Ipinahayag noong Agosto 8, 2016 ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar na nakatakdang idaos Agosto 31, 2016 ang 21st Century Panglong Ethnic Conference, para pasulungin ang prosesong pangkapayapaan ng bansa.
Idinaos kahapon ang pulong ng grupong tagapag-organisa ng nasabing kumperensiya para talakayin ang mga gawain ng preparasyon nito.
Nang araw ring iyon, nag-usap din sina Aung San Suu Kyi at Min Aung Hlaing, Komander ng hukbong pandepensa ng Myanmar. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa tigil-putukan sa lalawigang Kachin at Shan, pambansang rekonsilyasyon, kapayapaan at katatagan ng bansa, at iba pa.