Dahil sa mga insidente ng pambobomba kamakailan, ipinasiya ng pamahalaang Thai na dagdagan ang bilang ng mga pulis para pahigpitin ang gawaing panseguridad sa mga turista.
Ayon sa Ministri ng Turismo at Palakasan ng Thailand, 800 Tourism Police ang idaragdag para sa gawaing panseguridad. Sinabi ni Kobkarn Wattanavrangkul, Ministro ng nasabing departamento, na di-magbabago ang agenda ng pagdaraos ng mga aktibidad sa bansang ito sa darating na Setyembre bilang pagdiriwang sa World Tourism Day.
Nitong nagdaang Huwebes at Biyernes, naganap ang mga insidente ng pambobomba sa dakong timog ng Thailand na nagresulta sa pagkasawi ng 4 na katao at pagkasugat ng ilampo. Ipinatalastas ng pamahalaang Thai na bibigayan ng kompensasyon ang mga kasuwalti.
Bukod dito, inilabas ng Embahadang Tsino ang pahayag para paalaalahanan ang mga sibilyang Tsino na maging maingat sa bansang ito.