Sa Hua Hin, Thailand (Xinhua) —Naganap Huwebes ng gabi, Agosto 11, 2016, ang dalawang pagsabog na ikinamatay ng 1 sibilyang Thai, at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa. Kabilang sa mga nasugatan ay dayuhang turista.
Ipinahayag ng panig pulisya ng Thailand na kontrolado na ang kalagayan, at inihatid na ang lahat ng mga nasugatan sa ospital.
Isinasagawa na rin ng kapulisan ang imbestigasyon sa naturang insidente. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang anumang organisasyon ang umakong may kagagawan sa nasabing pananalakay.
Salin: Li Feng