Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Pilipino-Sino, optimistiko: Duterte

(GMT+08:00) 2016-08-15 13:27:27       CRI
Mababasa sa ilalabas na bagong edisyon ng magasing Dragon ng Tsina ang panayam ni Jia Zheng, Editor-in-Chief ng nasabing magasin kay Pangulong Rodrigo Duterte, noong ika-30 ng Hunyo, 2016. Sa panayam, inilahad ni Pangulong Duterte ang paninindigan sa relasyon ng Pilipinas at Tsina, pagtutulungang pangkabuhayan at pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa.



Si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ni Jia Zheng, Editor-in-chief ng magasing Dragon ng Tsina sa Malakanyang, ika-30, Hunyo, 2016.

Relasyong Sino-Pilipino

Kaugnay ng relasyong Sino-Pilipino, ipinahayag ni Duterte ang optimistimo sa relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, dahil ito aniya'y matagal na at mahalagang pagkakaibigan. Naniniwala ang pangulong Pilipino na itatatag ng dalawang bansa ang malakas na bilateral na relasyon na maaaring makalampas sa iilang isyu para makinabang ang dalawang bansa sa komprehensibo at pangmatagalang malusog na realsyon. Idinagdag pa niyang nitong 41 taong nakalipas, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, nananatiling malusog at masiglang magkapartner ang Tsina at Pilipinas sa iba't ibang sektor na kinabibilangan ng mga larangang may hamon. Ipinahayag din ni Pangulong Duterte na ang Tsina ay mahalagang kapitbansa at partner ng Pilipinas. Nananatili aniyang bukas at positibo sa pakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa Tsina.

Relasyong pangkabuhayan ng Tsina't Pilipinas

Ipinahayag ni Duterte ang paghanga sa makasaysayang relasyong komersyo sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Umaasa aniya siyang magpapatuloy ang nasabing relasyon. Ikinagagalak din ng pangulong Pilipino ang mapayapang pag-unlad ng Tsina at ang idinudulot nitong benepisyo sa rehiyon at daigdig. Idinagdag pa niyang huwaran ng Pilipinas ang Tsina sa larangan ng agrikultura at imprastruktura. Inaasahan din aniya ng Pilipinas ang pamumuhunan mula sa mga bahay-kalakal na Tsino sa industriya ng paggawa. Sinabi rin ni Pangulong Duterte na nananatiling ikalawang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas ang Tsina. Pinananabikan din aniya ng Pilipinas ang pagdating ng mas maraming turistang Tsino sa Pilipinas.

Relasyong pangkultura

Ipinahayag ni Pangulong Duterte na ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Pilipinas ay nagsisilbing di-maihihiwalay na bahagi ng panlahat na ugnayan ng dalawang bansa. Aniya, kapuwa sang-ayon ang dalawang bansa na ang malusog na people-to-people exchange ay pundasyong pampamahalaan.

Aniya, ang mga naranasang kahirapan ay hindi kailanman naging balakid sa pagsisikap ng dalawang bansa para mapasulong ang pagpapalitang pangkultura. Idinagdag pa niyang ang mga nilagdaang kasunduan ng dalawang bansa sa kultura, isports, edukasyon, kabataan, media at iba pa ay walang-humpay na nagpapasulong ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Ipinagdiinan ni Pangulong Duterte na sa magkasamang pagpupursige ng dalawang panig, lalakas pa ang nasabing mga pagpapalitan at lalalim din ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Salin/Edit: Jade

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>