Nagpadala ngayong araw, ika-30 ng Hunyo, 2016, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensaheng pambati kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang panunungkulan bilang ika-16 na pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Xi na bilang magkapitbansa, ang pagkakaibigang pangkapitbansa ng Tsina at Pilipinas ay pamana ng mahigit sanlibong taong ugnayan ng dalawang bansa, at nagsisilbi rin itong tumpak na direksyong dapat igiit.
Idinagdag pa niyang sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyong Sino-Pilipino ang mahahalagang pagkakataon, at nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Pangulong Duterte para mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa at maisakatuparan ang malusog at matatag na kaunlaran nito. Nananalig aniya siyang kung magtataglay ang Pilipinas at Tsina ng katapatan at kabutihan, at mananangan sa pagtitiwalaan at pagtutulungan, tiyak na makakalikha ng magandang kinabukasan ng relasyon at kooperasyong Sino-Pilipino.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac