Inilunsad madaling araw ng Martes, ika-16 ng Agosto 2016, ng Tsina sa Jiuquan Satellite Launch Center, sa hilagang kanlurang bansa, ang isang quantum communication satellite. Ito ang kauna-unahang ganitong satellite sa daigdig.
Sa dalawang taong misyon, ang satellite na ito, kasama ng 4 na earth stations at isang experimental establishment, ay magsasagawa ng pagsubok ng quantum communication.
Ang quantum communication ay bagong teknolohiya ng komunikasyon. Mas ligtas ito kaysa umiiral na mga paraan ng komunikasyon. Sa kasalukuyan, isinasagawa ng Tsina, kasama ng ilang bansang Europeo, na gaya ng Austria, Alemanya, at Italya, ang pagsubok sa aspektong ito.