Noong Agosto 15, 2016, nagbigay-galang ang mga miyembro ng gabineteng Hapones sa Yasukuni Shirine. Kaugnay nito, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtutol sa mga ito.
Sinabi ni Lu na ang aksyong ito ay muling nagpakita ng maling atityud ng pamahalaang Hapones sa mapanalakay na kasaysayan nito. Hinihimok aniya ng Tsina ang Hapon na seryosong harapin at magsisisi sa mapanalakay na kasaysayan, at maayos na lutasin ang mga may-kinalamang isyu para tamuin ang tiwala mula sa mga kapitbansang Asyano at komunidad ng daigdig.