Miyerkules, ika-17 ng Agosto, 2016, ipinatalastas ng organo ng maritime law-enforcement ng Malaysia na nahanap ang oil tanker na nawalan ng kontak noong isang araw, at hindi ito hinaydyak.
Nauna rito, iniulat sa nasabing organo na nawawalan ng kontak ang isang oil tanker pagkaraang lumisan ng puwerto ng Malaysia nitong Martes ng hapon, at posible itong hinaydyak.
Ayon sa pinakahuling pahayag ng naturang organo, Miyerkules ng tanghali, nakipag-ugnayan ang awtoridad sa nasabing oil tanker, at nalamang ang bapor ay nagbibiyahe papuntang Batam ng Indonesia, at ligtas ang lahat ng mga tauhan sa bapor. Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang pagkawalang-kontak ay posibleng ibinunga ng "problemang panloob" sa pagitan ng may-ari, nangungupahan at marinero ng bapor.
Salin: Vera