|
||||||||
|
||
Nitong Huwebes, Agosto 18, 2016, iniulat ng Departamento ng Pampublikong Seguridad ng Probinsyang Yen Bai ng Biyetnam na sa naganap na insidente ng pamamaril Huwebes ng umaga, napatay sina Pham Duy Cuong, Yen Bai Provincial Party Secretary, at Ngo Ngoc Tuan, Chairman ng Yen Bai People's Council. Pagkatapos nito'y nagpakamatay ang mamamaril na si Do Cuong Minh, Chief ng Yen Bai Sub-department ng Forest Protection.
Pagkaganap ng insidenteng ito, inutusan ni Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ang Ministri ng Pampublikong Seguridad ng bansa at Departamento ng Pampublikong Seguridad ng Yen Bai, na mahigpit na magtulungan, at isagawa ang imbestigasyon alinsunod sa batas. Bukod dito, hinihiling din niya na palakasin ang garantiyang panseguridad para tiyakin ang seguridad sa lipunan.
Nakatakdang idaos nang araw ring iyon ng Yen Bai ang ikalawang sesyon ng People's Council, ngunit kinansela ito dahil sa nasabing pamamaril.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |