Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat komprehensibong pangalagaan ang kalusugan ng buong sambayanang Tsino. Binigyang-diin din niyang ang kalusugang pampubliko ay dapat ilagay sa unang puwesto ng pambansang estratehiya ng pag-unlad.
Mula ika-19 hanggang ika-20 ng Agosto, idinaos sa Beijing ang Pambansang Pulong ng Kalusugan. Dumalo sa pulong na ito ang buong lideratong Tsino na kinabibilangan nina Xi Jinping, Li Keqiang, Zhang Dejiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, Wang Qishan at Zhang Gaoli.
Sinabi ni Xi na kabilang sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunang Tsino ay komprehensibong pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayang Tsino. Dagdag pa niya, dapat ipromote sa buong bansa ang malusog na istilo ng pamumuhay, pahigpitin ang serbisyong pangkalusugan, pataasin ang proteksyong pangkalusugan, itatag ang malusog na kapaligiran at pasulungin ang mga industriyang may kinalaman sa kalusugan.
Bukod dito, ipinahayag din ni Premyer Li Keqiang na dapat ilaan ang mas maraming yamang-medikal sa mahihirap na lugar at palakasin ang pagsuporta ng seguro sa mahihirap na maysakit.