|
||||||||
|
||
Unang una, winelkalm ni Pangulong Xi ang ika-10 pagdalaw sa Tsina ni Ban.
Ipinagdiinan ni Xi na bilang pirmihang miyembro ng UN Security Council at pinakamalaking umuunlad na bansa, patuloy na magsisilbi ang Tsina bilang matatag na tagapagsuporta, tagapangalaga at kalahok sa mga usapin ng UN.
Ipinahayag din ni Pangulong Xi ang paghanga sa pagpupursige ni Ban na pangangalagaan ang kapayapaang pandaigdig, pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng komunidad ng daigdig, at harapin ang mga hamong pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima, nitong 10 taong nakalipas sapul nang manungkulan siya bilang pangkalatahang kalihim ng UN.
Idinagdag pa ni Xi na ang diversification ay lakas-pampasigla sa pag-unlad ng daigdig, kaya kailangang tumahak ang iba't ibang bansa sa sariling landas ng pag-unlad. Aniya pa, bilang tugon sa pagkakataon at hamong dulot ng globalisasyong pangkabuhayan, kailangang palakasin ng komunidad ng daigdig ang pangangasiwang pandaigdig para maitatag ang komunidad ng komong tadhana ng sangkatauhan na nagtatampok sa magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag at pag-aambagan.
Ipinahayag naman ni Ban ang pasasalamat sa mga ibinigay na ambag ng Tsina sa mga usapin ng UN na gaya ng sustenableng pag-unlad, pagbabago ng klima at isyung nuklear ng Korean Peninsula. Nakahanda rin aniya ang UN na palakasin ang pakikipagtulungan sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na itinatag sa mungkahi ng Tsina, para mapasulong ang konstruksyon ng imprastruktura sa mga umuunlad na bansa.
Ipinahayag din ni Ban ang pananabik sa pagdalo sa G20 Summit na idaraos sa Hangzhou, Tsina sa darating na Setyembre.
Sinimulan ni Ban ang biyahe niya sa Tsina noong ika-6 ng Hulyo, at tatagal hanggang ika-10 ng Hulyo. Bukod sa Beijing, dadalaw rin siya sa Hangzhou at Suzhou, dalawang siyudad sa kanluran ng Tsina.
Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan habang nakikipagtagpo kay UN Secretary-General Ban Ki-moon at kanyang kabiyak na si Yoo Soon-taek, sa Diaoyutai State Guesthouse sa Beijing
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |