Kuala Lumpur—Magkasamang ipinatalastas ng MyHSR Malaysia at Land Transport Authority (LTA) ng Singapore ang bukas na pagbi-bidding Lunes, Agosto 22, 2016 para maghanap ng Joint Development Partner (JDP) sa binabalak na Singapore-Malaysia High Speed Rail project na mag-uugnay ng Kuala Lumpur at Singapore.
Ang JDP ay inaasahang magbibigay ng suporta sa pangangasiwa sa nasabing proyekto, payong teknikal at payo hinggil sa procurement na may kinalaman sa sistema at operasyon ng nasabing daambakal. Inaasahan din itong magtatakda ng mga pamantayang teknikal at pangkaligtasan para sa proyekto.
Ang Singapore-Malaysia High Speed Rail na may habang 350 kilometro at bilis ng 300 kilometro bawat oras ay nakatakdang isaoperasyon sa 2026.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac