Tinataya ng mga dalubhasa ng Singapore at Malaysia na may pag-asang maging unang proyekto ng bagong Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang Singapore-Kuala Lumpur (KL) High Speed Rail. Sa susunod na 5 taon, malaking pondo ay ilalaan ng Malaysia para sa konstruksyon ng imprastruktura, at ang Singapore-KL High Speed Rail ay isa sa mga ito.
Ang Singapore-KL High-speed Rail Project ay may habang 350 kilometro, at ang kabuuang pondo ay umaabot sa 12 bilyong dolyares. Kapag nailatag ang nasabing daambakal, 90 minuto lamang ang biyahe sa pagitan ng nasabing dalawang siyudad at sa kasalukuyan, 6 hanggang 7 oras ang biyahe.
salin:wle