Papasok na sa yugto ng pagbibiding ang proyekto ng Singapore-Kuala Lumpur (KL) High Speed Rail. Ayon sa magkasanib na patalastas ng mga departamento ng transportasyon ng Malaysia at Singapore, sa lahat ng mahigit 200 bahay-kalakal na nagpadala ng mungkahi at proposal hinggil sa nasabing proyekto, 14 na bahay-kalakal na kinabibilangan China Railway, pambansang kompanya ng daambakal ng Tsina ang iimbitahan para humingi ng kuru-kuro at komento.
Kinumpirma ang nasabing impormasyon ni Syed Hamid Albar, Chairman ng Land Public Transport Commission (SPAD) ng Malaysia sa isang eksibisyon at symposium hinggil sa high-speed rail technology at project ng Tsina, na itinaguyod ng China Railway at iba pang mga bahay-kalakal sa Kuala Lumpur.
Ang Singapore-KL High-speed Rail Project na may habang 330 kilometro ay magkasamang ipinatalastas nina Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore noong 2014. Nakatakdang matapos ang konstruksyon sa 2020. Kapag nailatag ang nasabing daambakal, 90 minuto lamang ang biyahe sa pagitan ng nasabing dalawang siyudad at sa kasalukuyan, 6 hanggang 7 oras ang biyahe.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio