Noong Agosto 21, 2016, isang bapor na naglalaman ng 17 katao ang tumaob sa karagatang malapit sa Riau, lalawigan sa gawing kanluran ng Indonesya.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Widodo Adi Sucipto, Tagapagsalita ng Hukbong Pandagat ng Indonesya na pagkaraang maganap ang insidente, agarang isinagawa ng hukbong pandagat ang paghahanap at pagliligtas. Aniya, sa kasalukuyan, 2 katao ang nailigtas, 10 ang namatay, at 5 iba pa ang nawawala.
Sinabi rin ng nasabing tagapagsalita na ang pangyayaring ito ay dahil sa masamang panahon sa karagatan.