Sa kanyang talumpati Linggo, Agosto 21, 2016 sa National Day Rally, sinabi ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na kinakaharap ng bansa ang tatlong pangunahing hamon na kinabibilangan ng pag-unlad at pagbabago, garantiya sa pamumuhay ng mga empleyado, at harmonya ng iba't ibang lahi.
Idinagdag pa ni Lee na upang tugunan ang nasabing mga hamon,magpapalabas ang pamahalaan ng mga bagong hakbang para tulungan ang maliliit at katamtamang laking bahay-kalakal (SMEs) na hanapin ang pagkakataong komersyal sa loob at labas ng bansa, palakasin ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga bahay-kalakal, tulungan ang mga manggagawa na sanayin ang bagong kapaligiran at patuloy na ipatupad ang patakaran ng pagpapasulong ng harmonya ng iba't ibang lahi.
Salin: Jade
Pulido: Mac