Ayon sa pinakahuling datos ng International Enterprise (IE) Singapore, bumaba nang 10.6% noong Hulyo ang non-oil domestic exports (NODX) ng bansa kumpara noong Hulyo, 2015. Ang NODX ay mahalagang pamantayan sa pagtasa sa export performance ng Singapore na mataas ang lebel ng pagbubukas sa labas.
Ayon sa IE Singapore, bunsod ng pagbaba ng kapuwa electronic at non-electronic NODX ang nasabing pagbaba ng NODX. Kabilang dito, bumaba ng 12.9% ang NODX dahil sa lumiit na pagluluwas ng PC, piyesa ng IC, diodes at transistor. Samantala bumaba naman ng 9.5% ang non-electronic NODX dahil sa bumabang pagluluwas ng petrochemical, piyesa ng civil engineering equipment at specialized machinery.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac