|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayagang "Chinese Commercial News" Miyerkules, Agosto 24, 2016, bilang isa sa mga isinasagawang hakbangin ng Pamahalaang Pilipino sa walang humpay na pagpapasulong ng bilateral na diyalogo tungkol sa hidwaan sa South China Sea, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyan niyang isinasaalang-alang ang posibilidad ng pagbisita sa Tsina.
Isiniwalat din ni Pangulong Duterte ang kanyang intensyong isagawa ang bilateral na diyalogo sa Tsina bago dumating ang katapusan ng kasalukuyang taon.
Samantala, ipinahayag niya na sa gagawing ASEAN Summit, hindi niya babanggitin ang nasabing hidwaan. Ngunit, gusto niyang makipag-usap sa Tsina ng "face to face," aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |