|
||||||||
|
||
Si Xu Ningning, Direktor na Tagapagpaganap ng China-ASEAN Business Council
Ipinahayag kamakailan ni Xu Ningning, Direktor na Tagapagpaganap ng China-ASEAN Business Council (CABC), na sa pulong bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaganapin sa Laos sa susunod na buwan, may pag-asang mapapasa ng dalawang panig ang "Magkasanib na Pahayag Hinggil sa Kooperasyong Sino-ASEAN sa Kakayahan ng Produksyon" para mapasulong ang kanilang nasabing kooperasyon.
Winika ito ni Xu sa pulong ng pagpapalitan ng mga media tungkol sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN. Ani Xu, ang paglagda ng naturang magkasanib na pahayag ay isang mahalagang pangyayari, hindi lamang sa pagpapasulong ng Tsina ng konstruksyon ng "Belt and Road," pag-unlad ng relasyon ng Tsina at mga kapitbansa nito, kundi maging sa kooperasyong panrehiyon. Dapat aniyang samantalahin nang mabuti ng dalawang panig ang pagkakataon ng konstruksyon ng "21st-Century Maritime Silk Road," at isakatuparan nang mainam ang iba't-ibang gawain ng pag-u-upgrade ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Dapat ding lubos na malaman na ang kooperasyon ay pragmatikong pagpili para harapin ang pagbagal ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, dagdag pa niya.
Tinukoy din ni Xu na dapat pag-ibayuhin ng dalawang panig ang pagtatakda ng target ng kooperasyon, at hanapin ang pokus ng kooperasyon sa iba't-ibang larangan, at dapat ding idetalye ang hakbangin ng kanilang kooperasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |