Ayon sa China Radio International (CRI), ipinahayag kahapon, Enero 19, 2016, ni Xu Ningning, Direktor na Tagapagpaganap ng China-ASEAN Business Council (CABC), na sa kasalukuyang taon, lilitaw ang bagong tunguhin ng pag-unlad sa kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN. Iminungkahi niya sa mga bahay-kalakal na Tsino na samantalahin ang bagong pagkakataon mula sa ASEAN.
Ayon kay Xu, mula noong Enero hanggang Nobyembre ng taong 2015, umabot sa mahigit 9.1 bilyong dolyares ang halaga ng direktang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa ASEAN. Ito aniya ay mas malaki ng 109.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Umabot din sa 1381 ang bilang ng mga bagong nalagdaang kasunduan ng proyekto ng Tsina at ASEAN na nagkakahalaga ng 28.4 na bilyong dolyares, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng