Tinanggihan Martes, Agosto 23, 2016, ng Court of Arbitration for Sport (CAS) ang apela ng Rusya hinggil sa ban sa paglahok ng mga manlalarong Ruso sa Rio Paralympics. Ibig-sabihin, hindi makakapaglaro ang koponang Ruso sa Paralympics.
Noong ika-7 ng Agosto, ipinatalastas ng International Paralympic Committee (IPC) na ipagbawal ang paglahok ng koponang Ruso sa Rio Paralympics, dahil hindi kayang maigarantiya ng Russian Paralympic Committee (RPC) na mahigpit nitong susundin ang World Anti-Doping Code at mga tadhana ng IPC hinggil sa pagbabawal sa dope.
Pagkatapos nito, agarang umapela ang RPC hinggil sa nasabing kapasiyahan ng IPC.